Ikinalugod ni Quad Comm co-chair Dan Fernandez ang panibagong kasong inihain ng PAOCC o Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) laban sa mga sangkot sa operasyon ng iligal na POGO sa bansa.
Aniya, nakita naman ang pag pupursige ng PAOCC sa pangangalap ng ebidensya at paghahabla sa mga may sala.
“We’re happy about it that PAOCTF is really doing their job. Kasi nga sila naman talaga nag-umpisa dyan sa Pogo and they have been so religiously trying to collate all the evidences and file cases against them.” ani Fernandez.
Ngayong linggo lang nang ihain ng PAOCC at PNP sa DOJ ang supplemental complaint affidavit laban kay dating Presidential spokesperson Harry Roque, Ley Tan, at Mercedes Peralta Macabasa para sa kasong qualified human trafficking.
Nahaharap din sa contempt at arrest order si Roque sa Quad Comm. | ulat ni Kathleen Forbes