Maayos na isinagawa kahapon, October 29, ang Redemption Day ng Walang Gutom: Food Stamp Program na pinangunahan ni Mayor Georgia Gokiangkee para sa mga benepisyaryo sa bayan ng Claver, Surigao del Norte.
Ito ang pangatlong beses na naipatupad ngayong taon ng pamahalaang lokal ng Claver.
Sa pamamagitan ng Electronic Benefit Transfer (EBT) card na naglalaman ng tatlong libong piso, na siyang gagamiting pangbili ng Go Grow Glow food, tulad ng gulay, prutas, bigas, isda, karne, at marami pang iba para sa pang-araw-araw na pangangailangan ng pagkain.
Layunin ng programang ito na mabawasan ang gutom sa mga kabahayan na may mababang kita.
Magpapatuloy pa ang pamamahagi nito sa loob ng tatlong taon upang masiguro na mabibigyan ng sapat na benepisyo ang mga pamilyang lubos na nangangailangan. | ulat ni Jocelyn Morano | RP1 Butuan