Iminumungkahi ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. na isama sa school curriculum ang climate change mitigation at environmental protection.
Ginawa ng senador ang pahayag sa kanyang pagbisita sa mga residente ng San Pedro at Calamba, Laguna na naapektuhan ng baha dahil sa Bagyong Kristine.
Ayon kay Revilla, layon ng kanyang mungkahi na mabigyan ang mga kabataan ng sapat na kaalaman kung paanong mapangangalagaan ang kalikasan at maiwasan ang mga kalamidad dulot ng climate change.
Bukod sa mga paaralan, dapat rin aniyang aktibong pina-practice ang climate change mitigation sa tahanan at sa komunidad.
Ipinapanukala rin ng mambabatas na gawing mas climate-adaptive at climate-resilient ang mga programa ng gobyerno. | ulat ni Nimfa Asuncion