Higit 400 enforcers, ikinalat sa Metro Manila ngayong Undas ng LTO-NCR

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpakalat na ng 458 na enforcers ang Land Transportation Office (LTO) sa Metro Manila bilang paghahanda sa Undas.

Ayon kay LTO-NCR Regional Director Roque Verzosa III, sa ilalim ng “Oplan Biyaheng Ayos,” katuwang ang LTO ng ibang ahensya sa pangangalaga sa kapakanan ng publiko at motorista.

Aniya, tiyak na ang dagsa ng libo-libong tao at motorista para bumiyahe sa mga lalawigan bago at pagkatapos ng Undas.

Nauna nang nagsagawa ng inspeksyon sa mga bus terminal ang LTO para tiyakin ang roadworthiness ng mga pampublikong transportasyon.

Kasama din dito ang random drug testing ng Philippine Drug Enforcement Agency sa mga driver at konduktor ng bus. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us