Nais ni Senador JV Ejercito na mapalitan na ang presidente ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na si Emmanual Ledesma at magkaroon ng revamp sa ahensya.
Ginawa ng senador ang pahayag sa gitna ng isyu ngayon sa paglilipat ng excess funds ng state insurer sa national treasury at paglalabas ng temporray restraining order (TRO) ng Korte Suprema para mapigilan ito pansamantala.
Ayon kay Ejercito, hindi ito dapat ginawa lalo’t marami pang mga kababayan natin ang may sakit at hirap na magbayad ng kanilang hospital bills.
Para sa mambabatas, ang Philhealth ang dapat sisihin sa naunang paglilipat ng P60 billion na excess fund nila tungo sa national treasury.
Giit ni Ejercito, kung hindi ito idineklarang excess fund ng PhilHealth ay hindi naman ito kukunin ng Department of Finance (DOF)
Sa halip aniyang ideklarang sobrang pondo ay dapat inilaan na lang ang pondo sa medikal na pangangailangan ng mga PhilHealth members. | ulat ni Nimfa Asuncion