Pangulong Marcos, nanawagan sa LGUs na ingatan ang mga ipinamamahaging PTVs ng National Government. Patuloy na pagtulong sa vulnerable sector, ibinilin ng Pangulo sa PCSO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inatasan ni Pangulong Fedinand R. Marcos Jr. ang PCSO na ipagpatuloy ang charity works, pagtulong sa vulerable sector, at kung kakayanin, iakyat sa tig-dadalawang ambulansiya ang ipamamahagi sa bawat LGU sa Pilipinas.

“Basta’t hangga’t kaya natin kuha nang kuha lang tayo nitong mga emergency vehicle na ganito at ikalat natin. Huwag na nating isipin kung saan pupunta. Kung ito’y “binoto ba tayo diyan?” “Nanalo ba tayo diyan?” Wala, wala ng ganoon. Kung saan man nangangailangan, magpapadala tayo.” —Pangulong Marcos.

Sa ceremonial turn over ng 90 patient transport vehicle (PTVs) na ginanap sa Quirinp Grandstand, ngayong araw (October 30), binigyang diin ng Pangulo ang kahalagahan ng pagpapalakas ng healthcare system sa bansa, lalo na sa mga pinaka-liblib na lugar.

Aniya, ang mga ambulansiyang ipinamamahagi ng national government ay mahalaga sa pagsi-serbisyo sa mga pasyente.

“At sana pagka tuloy-tuloy itong programa na ito ay hindi lang 100 percent ang mabubuo natin. Ipinagmamalaki ng PCSO ‘ka nila kaya daw nilang mag-deliver ng tigalawa.  Kaya’t gagawin daw nating 200 percent. Kaya nasabi mo na ‘yan kaya’t pangako na ‘yan… Kailangan matupad ‘yan.” —Pangulong Marcos.

Tanging hiling ng pangulo sa mga lokal na pamahalaan, alagaan ang mga natanggap na ambulansiya, at siguruhing magagamit ito sa loob nang mahabang panahon.

“Ang hihilingin ko lang sa ating mga chief executives, sa ating mga LGU heads ay alagaan ninyo, patagalin ninyo. Matibay naman itong mga ito, basta’t alagaan natin nang mabuti. Ang maganda rito sa pagpili namin nitong modelong ito, madaming piyesa ito, madaling ayusin, kahit saan ay makakahanap kayo. Kahit sinong mekaniko kayang ayusin itong mga emergency vehicle na ito. At kahit saan madaling makakuha ng piyesa.” —Pangulong Marcos.

Ang 90 ambulansya na ipinagkaloob ngayong araw ay nakalaan para sa Cebu, Samar, Bohol, Negros Occidental, Pangasinan, at Rizal.| ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us