SP Chiz Escudero, kuntento sa trabaho ng PAGASA pagdating sa weather forecasting

Facebook
Twitter
LinkedIn

Para kay Senate President Chiz Escudero, maayos na ginagampanan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang kanilang trabaho pagdating sa weather forecasting at walang dahilan para sisihin sila, lalo na sa naranasang pinsala mula sa bagyong Kristine.

Giit ni Escudero, sapat ang impormasyong ibinibigay ng PAGASA para mapaghandaan ng mga lokal na pamahalaan at publiko ang mga dadaang bagyo o sama ng panahon.

Bukod aniya sa PAGASA ay may iba pang available na datos gaya ng mula sa Japan Weather forecasting at iba pang mga application sa telepono, na maaaring pagkuhaan ng impormasyon tungkol sa magiging lagay ng panahon.

Available aniya ang lahat ng ito sa pamamagitan ng internet, kaya walang dahilan para hindi malaman ang eksaktong lokasyon, lakas at kailangang paghahanda kaugnay ng ano mang bagyong paparating.

Pinunto rin ng senate leader, na trabaho ng mga local government unit (LGU) na alamin by the hour o kahit minu-minuto ang kalagayan ng panahon, at hindi na responsibilidad ng PAGASA na ipaalala ito sa LGU officials.

Sinabi rin ni Escudero, na hindi naman talaga kayang alamin agad kung gaano karaming tubig ang ibubuhos ng isang bagyo.

Kaya nga aniya weather forecasting ang tawag sa trabaho ng PAGASA, dahil forecast pa lang ito o pag estima lang dahil ang aktwal na impormasyon ay malalaman kapag nandoon na sa kalagitnaan na mismong bagyo. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us