Nakahanda na ang Philippine National Police (PNP) para sa paggunita ng Undas 2024.
Dinagdagan din ng PNP ang bilang ng mga pulis na itatalaga upang masiguro ang kaligtasan ng publiko.
Ayon kay PNP Spokesperson PBGen Jean Fajardo, aabot sa 21,000 na mga pulis ang ipakakalat sa iba’t ibang lugar. Kabilang dito ang mga sementeryo, pampublikong lugar, terminal, paliparan, at pantalan.
Layon nito na mapangalagaan ang seguridad ng mga mamamayan sa panahon ng Undas.
Sa kabila ng pagtataas ng alerto at pagdami ng mga nakatalagang pulis, nilinaw ni Fajardo na wala silang natatanggap na anumang banta sa seguridad kaugnay ng Undas.
Simula pa kahapon ay itinaas na ng PNP ang kanilang alerto sa heightened status. Ito ay nangangahulugan na 75 porsyento ng kanilang pwersa ang naka-deploy at handa sa anumang sitwasyon.| ulat ni Diane Lear