May karagdagan pang 770 units ng bus ang binigyan ng special permits ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para makabiyahe ngayong Undas.
Ang nasabing bilang ay mula sa 276 na huling nagsumite ng aplikasyon sa LTFRB.
May nauna nang 1,200 special permits ang inaprubahan ng LTFRB para makabiyahe ang public utility vehicles sa labas ng kanilang ruta.
Ayon kay LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III, lahat ng buses at UV Express na binigyan ng special permits ay maaari nang makabiyahe hanggang Bicol Region sa Timog, at Cagayan at Laoag sa Hilaga.
Magkakabisa ang special permit mula Oktubre 25 at tatagal hanggang Nobyembre 10, 2024. | ulat ni Rey Ferrer