Ibinalita ng Commission on Elections (COMELEC) na natapos na ng Miru System Company Limited ang paggawa sa 110,000 na ng automated counting machine na gagamitin sa 2025 Midterm Elections.
Ayon kay COMELEC Chairperson George Erwin Garcia, nasa Port of Busan na sa South Korea ang naturang mga makina at ito ay handa nang ibyahe patungo dito sa Pilipinas.
Mas maaga daw itong natapos ng Miru System Company Limited kaysa sa itinakdang panahon.
Pagdating dito sa Pilipinas, dadalhin muna ito sa warehouse ng COMELEC sa Laguna at kalaunan ay isasalang sa testing kaharap ang mga Election watchdog pati na ang hanay ng media. | ulat ni Mike Rogas
📸 COMELEC