Nagkasa rin ng outreach program ang ACT-CIS Party-list para naman sa mga biktima ng bagyong Kristine sa Talisay, Batangas.
Nasa ₱50,000 na tulong pinansyal ang iniabot sa San Guillermo Parish para makatulong sa mga sinalanta, maliban sa ilang food items gaya ng bigas.
Iginiit ni House Deputy Majority Leader for Communications Erwin Tulfo na tuloy-tuloy ang pagtulong ng ACT-CIS Party-list at Erwin Tulfo Action Center sa mga nasalanta ng bagyo.
Katunayan, naghahanda na rin aniya sila para naman sa mga posibleng tatamaan ng bagyong Leon.
Kaya tuloy lang aniya ang kanilang monitoring upang agad makapagpadala ng mga ayuda sa mga nangangailangan. | ulat ni Kathleen Jean Forbes