Hindi tumitigil ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kanilang search, rescue, at relief efforts sa mga lugar na pinadapa ng nagdaang bagyong Kristine.
Ito ang inihayag ng AFP kasabay ng kanilang paghahanda sa Super Bagyong Leon na nagbabanta naman sa malaking bahagi ng Luzon partikular na sa Batanes.
Ayon kay AFP Spokesperson, Col. Francel Margareth Padilla, naka-standby na ang mahigit 2,690 nilang Search, Rescue and Retrieval Team gayundin ang 4,900 nilang kagamitan.
Pagtitiyak ng AFP na hindi sila magbababa ng kalasag para harapin ang Super Bagyong Leon habang ibinabangon naman ang mga sinalanta ng bagyong Kristine. | ulat ni Jaymark Dagala