Muling nagpakalat ng mga tauhan ang Department of Public Works and Highways (DPWH)- ESDEO na tutulong sa mga motorista para sa paggunita ng Undas 2024.
Sa panayam ng RP kay DPWH-ESDEO IO Engr. Eson Gatchalian Espeso Jayson Espeso, sinabi nito na ang motorist assistance program ng ahensya na tinaguriang “Lakbay Alalay” ay isinaaktibo at operational na muli sa 3 strategic na lugar sa probinsya, sa Junction Taft; Junction Buenavista, Quinapondan, at skeletal workforce station sa District Engineering Office sa Borongan City.
Ayon kay Espeso sinimulan ito alas otso ngayong umaga, October 31 at magtatagal hanggang alas-5 ng hapon sa November 2.
Ang DPWH “Lakbay Alalay” Teams ay binubuo ng uniformed field at crew personnel ng ESDEO. Sila ay magtratrabaho sa pamamagitan ng “round-the-clock shift” upang magbigay ng emergency assistance sa mga motorista/biyahero at masiguro na ang mga daanan ay mintinado at ligtas sa obstruction at mga lubak, sabi ni Espeso.
Ipinag-utos din aniya ng kanilang pamanuan ang pagpapatupad ng mga tanggapan na may mga kasalukuyang proyekto na tiyakin na ang mga wastong safety signage at traffic advisories ay ipapaskil ng mga kontratista upang maiwasan ang pagbagal ng trapiko sa kahabaan ng pangunahing kalsada at ruta patungo sa mga sementeryo. | ulat ni Pen Pomida | RP1 Borongan