Inatasan ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil sa lahat ng unit ng pulisya na paigtingin pa ang pagbibigay seguridad at pag-alalay sa publiko ngayong Undas.
Layon nito, ayon sa PNP chief, na tiyakin sa publiko na ligtas nilang maidaraos ang okasyon bilang pagtalima sa kanilang mandato.
Binigyang-diin ni Marbil ang kaniyang naising maramdaman ng publiko ang mga Pulis sa pamamagitan ng paglaban sa krimen at pagpapanatili ng katahimika’t kaayusan sa mga komunidad
Bukod sa mga sementeryo, palalakasin din ng PNP ang kanilang presensya sa places of convergence gaya ng mga terminal ng bus, pantalan, simbahan, mall, at iba pa.
Kasunod nito, hinikayat ng PNP ang publiko na manatiling mapagmatyag at huwag mag-atubiling i-ulat sa Pulisya ang anumang kahina-hinalang aktibidad at sundin ang tagubilin ng mga kinauukulan. | ulat ni Jaymark Dagala