Sinimulan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Bicol, sa pakikipagtulungan sa Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Sur, ang pamamahagi ng 20 Family Water Filtration Kits sa mga LGU na labis na naapektuhan ng bagyong Kristine sa pamamagitan ng Bureau of Fire Protection (BFP).
Kahapon, ika-30 ng Oktubre 2024, nagsagawa ang DSWD-Bicol ng orientation at demonstration sa pag-set up at paggamit ng water filtration systems, na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang opisina ng BFP mula sa ilang bayan sa Camarines Sur na labis na naapektuhan ng pagbaha dahil sa bagyong Kristine.
Naglaan ang DSWD Bicol ng kabuuang 100 Family Water Filtration Kits para sa Camarines Sur, at unang nakatanggap ng tig-10 units nito ang BFP Magarao at Minalabac.
Patuloy pa ang ginagawang koordinasyon ng kagawaran sa iba pang LGUs sa lalawigan para sa karagdagang filtration kits.
Mismong ang mga personahe ng BFP ang sumubok sa kapasidad at kalidad ng tubig na dumaan sa water filtration system mula sa DSWD. | ulat ni Vanessa Nieva | RP1 Naga