Maagang abala na rin ang sitwasyon sa Bagbag Public Cemetery na marami-rami na rin ang mga nagtutungo ngayong bisperas ng Undas.
As of 8am, nasa higit 700 na ang nagtungo sa sementeryo at tuloy-tuloy pang nadaragdagan.
Mahigpit na rin ang seguridad kung saan masusing ininspeksyon ang dala ng mga nagtutungo at kinukumpiska ang mga ipinagbabawal.
May nakapwesto na ring Police Assistance Desk para alalayan ang mga bumibisita.
Hindi na pinapayagan ang pagpasok ng mga sasakyan sa Pagkabuhay Road patungong sementeryo kaya malayo-layo na ang kailangang lakarin ng mga magtutungo rito.
Inaasahan namang bukas, November 1 ang dagsa ng mga bibisita sa Bagbag Public Cemetery. | ulat ni Merry Ann Bastasa