Magpapatupad din ng traffic re-routing scheme ang Valenzuela LGU para sa mga dadalaw sa iba’t ibang sementeryo sa lungsod ngayong Undas.
Para sa mga tutungo sa Polo Catholic Cemetery at Polo Memorial Park mula October 31 hanggang November 1, one-way traffic scheme ang paiiralin sa F. Valenzuela kung saan ipagbabawal ang pagparada ng sasakyan sa kalsada.
Para naman sa mga magtutungong Arkong Bato Public Cemetery, nag-abiso ang LGU na isasara rin ang daan sa kahabaan ng Cordero Street na patungong sementeryo.
Samantala, paiiralin naman sa November 1 ang one-way traffic sa C. Molina Street mula corner T. Santiago Street patungong Valenzuela Memorial Park.
Habang para sa mga bibisita sa Karuhatan Public Cemetery, Saint John Cemetery, Saint Perpetua Cemetery at Saint Angelus Cemetery ay isasara sa lahat ng sasakyan ang G. Marcelo Street mula A. Marcelo Street hanggang corner NLEX service road epektibo sa November 1.
Pinapayuhan ang mga motoristang dumaan muna sa mga alternatibong ruta para bawas abala. | ulat ni Merry Ann Bastasa