GSIS, tiniyak ang tulong sa mga miyembro nito sa mga biktima ng bagyong Leon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinigurado ng Government Service Insurance System (GSIS) na nakahanda ang kanilang ahensya na magbigay tulong para sa kanilang miyembro na nasalanta ng bagyong Leon.

Ayon sa GSIS handa nilang buksan ang kanilang emergency loan at iba pang serbisyo para makapagbigay ng tulong sa kanilang mga miyembro.

Paliwanag pa ng ahensya na sa oras na madetermjna ang mga lokasyon at lugar sa bansa na nasa ilalim ng State of Calamity ay agad aaksyon ang GSIS para sa mabilisang tulong.

Hinimok din ng ahensya ang mga kwalipikadong miyembro nito na gamitin ang GSIS Touch para makapag-avail ng loan dahil mas ligtas at mas mabilis ito.

Maaring makapag-loan sa pamamagitan ng mga GWAPS kiosk na nasa mga ahensya ng pamahalaan at ibang mga malls.

Para sa karagdagang impormasyon maaring bumisita sa website ng GSIS na gsis.gov.ph o sa kanilang social media pages. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us