Naglabas na ang Pamahalaang Lungsod ng Makati ng kanilang abiso para sa mga motorista hinggil sa mga saradong kalsada ngayong Undas 2024.
Ito ay ang mga kalsada sa paligid ng Manila South Cemetery partikular ang kahabaan ng Kalayaan Avenue mula Zapote Street hanggang N. Garcia Street.
Gayundin ang South Avenue na isasara mula sa J.P. Avenue hanggang Metropolitan Avenue.
Sarado rin ang Vito Cruz Avenue exit mula South Avenue hanggang Zapote Street.
Maging ang Pillilla Street ay sarado rin sa mga motorista mula Kalayaan Avenue hanggang Baler St.
Ang mga nabanggit na kalsada ay eksklusibong magagamit lamang ng mga pedestrian maliban sa kalsadang may access para sa designated parking.
Para sa karagdagang detalye, hinggil sa mga designated parking, at rerouting plans maaaring bisitahin ang social media page ng Makati City. | ulat ni Lorenz Tanjoco