Naka-alerto na ang Bureau of Fire Protection para sa pagtitiyak ng kaligtasan ngayong Undas 2024.
Ayon sa BFP, nakataas na ngayon ang CODE RED kung saan nasa 37,000 firefighters ang naka-standby sa buong bansa.
Nakahanda na ang BFP na magkasa ng rekorida (public safety patrols) para i-monitor ang posibleng fire hazards sa mga pampublikong lugar.
May mga naka-set up na ring Emergency Medical Service stations para agarang tumugon sa anumang pangangailangan sa mga sementeryo.
Ide-deploy din dito ang mga medical personnel, first aid supplies, ambulances, at FAST (First Aid Service Team) motorcycles para alalayan ang mga motorista sa major thoroughfares.
Kasunod nito, muling nagpaalala ang BFP sa publiko na maging maingat sa paggamit ng kandila, lighter at posporo ngayong undas upang hindi ito pagmulan ng sunog. | ulat ni Merry Ann Bastasa