Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mabilis at ligtas na power restoration sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.
Sa Special Report Leon PH ng Presidential Communications Office (PCO), sinabi ni Office of Civil Defense Undersecretary Ariel Nepomuceno, na isa sa pinasisiguro ng Pangulo ay ang kalkuladong mga hakbang para sa power restoration.
Ibig sabihin, dapat na ipatutupad lamang ang mga pagsasaayos kung ligtas nang umakyat sa mga poste ng kuryente upang makaiwas sa aksidente.
“The power was brought [up] by President Bongbong, but the power return is not that simple…The communication should be addressed immediately. The power should be returned carefully,” -Nepomuceno.
Ginawa aniya ng Pangulo ang direktiba, upang masiguro na magkakaroon ng pagkain, malinis na inuming tubig, at angkop na matutuluyan ang mga biktima ng bagyo.
“Iyong kuryente, ibinilin iyan ni Pangulong Bongbong, subalit hindi ganoon kasimple iyong pagbabalik ng kuryente dahil iyan, tinitingnan bawat metro n’yan. Hindi puwedeng madaliin iyan, kapag kasi iyan ay biglaang binuhay, baka makadisgrasya pa, pumutok o magkaroon ng aksidente. So, iyong komunikasyon, dapat kaagad matugunan iyan. Iyong kuryente, maingat na ibabalik din dapat iyan,” -Nepomuceno.
Kaugnay ito, tiniyak ng opisyal sa mga komunidad na apektado ng bagyo na nakaalalay ang National Government at handang magpadala ng mga kakailanganin pang tulong sa oras na pahintulutan na ng panahon.
“We are here to help you. It is a commitment from the government. Your government is here,” -Nepomuceno. | ulat ni Racquel Bayan