Sapat na rice supply sa mga lugar na tinamaan ng bagyo, siniguro ng pamahalaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng pamahalaan ang katatagan ng supply ng pagkain sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Kristine at dadaanan ng Super Typhoon Leon, alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Sa Special Report Leon PH ng Presidential Communications Office (PCO), sinabi ni Agriculture Director Lorna Calda na nasa 1, 447 sako ng bigas mula sa National Food Authority (NFA) ang naipamahagi na sa mga lokal na pamahalaan ng Ilocos at Cagayan region.

Nakapag-deploy na rin aniya ng KADIWA Stores ang gobyerno, upang mas mabigyan ng access sa abot-kayang food supply ang mga residenteng apektado ng bagyo.

Ayon sa opisyal, tinatayang nasa P1 milyong ang halaga ng quick response fund na available para sa rehabilitasyon at recovery ng agriculture sector.

“Also for those na naapektuhan ng Typhoon Kristine and also itong maaapektuhan ng Typhoon Leon, mayroon po tayong QRF na 1 billion na puwede po nating gamitin sa pagbili ng production inputs at the same time mayroon din po tayong SURE (Survival and Recovery) loan PhP25,000 na puwedeng i-loan ng ating mga magsasaka o mangingisda na three years to pay with zero interest,” —Calda.

Kabilang na dito ang mga agri inputs tulad ng binhi, abono, at iba pang tulong para sa mga magsasaka at mangingisda.

“Para po sa ating mga apektadong magsasaka at mangingisda, nandito po ang Kagawaran ng Pagsasaka.  Handa pong tumulong sa inyo at pagtulung-tulungan po nating makaahon dito sa sakunang dumating na ito,” —Calda. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us