Pinalakas na pagtugon ng AFP sa pangangailangan ng bansa bunsod ng Super Typhoon Leon, maaasahan ng mga Pilipino

Facebook
Twitter
LinkedIn

Siniguro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pinalakas na pag-alalay sa mga Pilipinong apekatado ng magkakasunod na sama ng panahon sa bansa.

Sa Special Report Leon PH ng Presidential Communications Office (PCO), sinabi ni AFP Spokesperson Colonel Francel Magareth Padilla, na abala ang kanilang hanay sa pagtulong sa publiko, sa pagtugon sa iniwan ng bagyong Kristine, at sa inaasahan pang impact ng Super Typhoon Leon.

“So, sa lahat po, andidito po ang inyong Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Tutulong po kami sa lahat ng aming makakaya and ‘wag po tayong mag-panic bagkus magtulungan po tayo para po malampasan natin itong mga hamon na hinaharap natin ngayon,” AFP Col. Francel Margareth Padilla said. 

Nasa 3,312 land assets aniya ng kanilang hanay ang available at handa na para sa deployment.

Nasa 120 ang sea assets habang nasa 40 naman ang aircraft ng AFP. 

“In our case po, para po sa paghahanda dito, over and above po dito sa search and rescue operations that are happening with the onslaught of Typhoon Kristine, mayroon po tayong 3,312 na land assets that are available and ready to deploy anytime. We also have around 120 sea assets, and 40 na air assets,” -Padilla.

Ayon sa opisyal, bukod pa dito ang aircraft ng mga bansang kabalikat ng Pilipinas, na ipinadala sa bansa upang makatulong sa pagtugon sa impact ng mga nagdaang sama ng panahon.
 
“Ito po, on top ito sa mga multilateral engagements that we have. So, sa ngayon po, may mga foreign aircrafts that are here in country,” -Padilla.

Kabilang na dito ang C130 mula  sa Singapore, EC725 helicopter ng Malaysia, C295 ng Brunei, at dalawa pang aircraft mula sa Indonesia.

“So, sa ngayon po, tulong-tulong po tayo even with our ASEAN counterparts… So, this goes to show po na even the exercises that we’ve been conducting, this is actually happening in actuality. So, ‘yung pong mga pagsasanay na ginagawa natin, hindi lang po for defense but also for humanitarian assistance and disaster response and we have seen it now coming to fruition po itong mga efforts natin with like-minded nations,” -Padilla. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us