Sen. Gatchalian, hinimok ang NEA na tiyakin ang katatagan ng mga electric cooperative sa panahon ng bagyo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umapela si Senador Sherwin Gatchalian sa National Electrification Administration (NEA) na tiyaking sumusunod ang lahat ng electric cooperatives sa mga requirement ng Electric Cooperatives Emergency and Resiliency Fund o ECERF Law, para maiwasan ang masamang epekto sa suplay ng kuryente ng mga natural na kalamidad, tulad ng bagyo.

Ang panawagan ni Gatchalian ay kasunod ng epektong dulot ng bagyong Kristine sa maraming mga kabahayan na nawalan ng kuryente, at sa gitna naman ngayon ng paghagupit ng bagyong Leon.

Paliwanag ng senador, bukod sa pagbibigay ng pondo sa mga electric cooperative na ayusin ang mga nasirang imprastraktura dahil sa hindi inaasahang pangyayari gaya ng bagyo…

Ginagamit rin ang ECERF para matiyak na makakayanan ng distribution utilities katulad ng Meralco, ang mga kalamidad.

Itinatag ang ECERF bilang paunang pondo o isang ‘ready fund’ na maaaring magamit ng mga electric cooperative, para sa mas mabilis na pagpapanumbalik ng mga pasilidad ng kuryente na nasira ng mga natural na kalamidad.

Ang pondong ito ay pinangangasiwaan at pinamamahalaan ng NEA.

Nanawagan rin si Gatchalian sa mga electric cooperative, na pag ibayuhin ang kanilang resilience para maiwasan ang power interruption o kahit man lang paikliin ang panahon ng mga ganitong insidente. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us