Ikinalugod ni Senate President Chiz Escudero ang resulta ng trust and performance survey na isinagawa ng OCTA Reasearch para sa third quarter ng taon.
Base sa resulta ng Tugon ng Masa Survey na ginawa mula September 4-7, 2024 sa 1,200 na respondents, nakakuha si Escudero ng 67 percent trust rating.
Nakasaad rin sa resulta ng survey na aprubado sa 65 percent ng mga respondent ang performance ng senate president.
Sa isang pahayag, nagpasalamat si Escudero sa patuloy na tiwala at suporta ng taumbayan sa kanya at sa senado…
Sa kabila nito, ang mga survey ay snapshot lang aniya ng persepsyon ng taumbayan.
May mga pagkakataon aniya itong bumaba at tumaas.
Giit ng senate leader, ano man ang resulta ng mga survey ay patuloy silang nagpapasalamat sa suporta ng publiko at patuloy ring magtratrabaho ng husto ang Mataas na Kapulungan ng Kongreso para sa bansa. | ulat ni Nimfa Asuncion