Ikinatuwa ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang naging desisyon ng Office of the Ombudsman.
Ito’y makaraang alisin na ng Ombudsman ang ipinataw na suspensyon laban kay ERC Chairperson Monalisa Dimalanta.
Ayon sa ERC, natanggap na niya ang kautusan buhat naman sa tanggapan ni Executive Secretary Lucas Bersamin.
Kasunod nito, nagpasalamat naman ang ERC sa tumayong Officer-in-Charge na si Jesse Andres sa naging serbisyo nito sa maikling panahon.
Sa pagbabalik ni Dimalanta, ipagpapatuloy ng ERC ang kanilang pangako na tuparin ang mandato nito bilang energy regulator ng bansa. | ulat ni Jaymark Dagala