Lagay ng trapiko sa NLEX, maluwag ngayong umaga ng Undas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Balik normal ngayong umaga ang daloy ng mga sasakyan sa North Luzon Expressway (NLEX).

As of 5:30am, maluwag at tuloy-tuloy ang daloy ng mga sasakyan sa Balintawak Toll Plaza, at regular lanes sa Mindanao Toll Plaza at Bocaue Toll Plaza. Bagamat may kaunting pila lang ng mga sasakyan sa RFID installation lanes.

Light traffic din ang umiiral sa San Fernando Northbound at Southbound at sa iba pang bahagi ng NLEX-SCTEX kabilang ang toll plazas and interchanges.

Kahapon ng happn hanggang alas-11:30 ng gabi, naramdaman ang mabigat na trapiko sa expressway dahil sa mga biyaherong nag-uuwian ngayong Undas.

Una nang nag-abiso ang MPTC sa mga motorista, na mataas ang volume ng trapiko sa expressway partikular sa northbound mula Octobrr 31 hanggang sa November 1 mula 5 AM hanggang 2 PM.

Para naman sa mga papasok ng Maynila, asahan ang mataas na volume ng trapiko sa November 2, mula 3 PM hanggang 10 PM, at November 3, simula 2 PM hanggang alas-8 ng umaga ng November 4.

Dahil dito, hinihikayat na ang mga motoristang dadaan sa NLEX, SCTEX, at NLEX Connector na bumiyahe sa non-peak hours upang maiwasan ang mahabang trapiko at delay. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us