NTC, binuksan ang public assistance ops ngayong Undas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinagana na ng National Telecommunications Commission (NTC) ang taunang public assistance operations para maghatid ng tulong ngayong Undas.

Sa isang Memorandum, inatasan ng NTC ang lahat ng Regional Directors nito na makipag-ugnayan at magbigay ng tulong sa kanilang nasasakupan sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mga Civic Action Groups (CAGs), at mga Amateur Radio Groups (ARGs).

Kabilang dito ang pag-iisyu ng temporary permit at licenses na kinakailangan upang matiyak ang kaligtasan ng mga maglalakbay sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Nagbigay din ng direktiba sa NTC Regional Offices na humingi ng tulong sa mga himpilan ng radyo, telebisyon, at mga operator ng cable TV para sa maayos at napapanahong pagpapalaganap ng mahahalagang impormasyon sa publiko.

“During this period, the NTC shall continue to accommodate any request for pertinent assistance from the general public, in order to uphold the meaningful observance of this important public occasion.” | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us