Nananatiling payapa at maayos ang sitwasyon ng mga sementeryo at columbarium sa Lungsod Quezon.
Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Acting Director Melecio Buslig, wala pang naitalang insidente na may kaugnayan sa Undas.
Batay sa monitoring ng pulisya, hanggang kaninang alas-2 ng hapon umabot na sa 26,593 ang crowd estimate sa limang sementeryo.
Nasa 9,159 katao ang nasa Himlayang Pilipino; 2,000 sa Recuerdo Memorial Garden; 4,189 katao naman sa Manila Memorial Park; 9,497 sa Bagbag Public Cemetery; at 1,748 sa Novaliches Public Cemetery. | ulat ni Rey Ferrer