Mga bumisita sa Manila North Cemetery ngayong araw, umabot sa 1.1 milyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Higit isang milyong katao ang dumalaw sa Manila North Cemetery ngayong araw November 1.

Hanggang sa isara ang gate ng MNC alas-7 ng gabi, pumalo sa 1.1 million ang mga nagtungo sa MNC para dumalaw sa kanilang mga namayapang mahal sa buhay.

Dahil naman dito, mula noong October 30 ay pumalo na sa 1.21 million ang nagtungo sa Manila North Cemetery.

Ilan naman sa mga naabutan ng pagsasara ng gate ng MNC ang dismayado.

Ang iba na-traffic daw kaya hindi umabot, habang may iba na hindi daw alam na hanggang alas-7 lang maaari pumasok.

Ayon naman kay Police Brig. Gen. Arnold Thomas Ibay, hepe ng Manila Police District, maliban sa insidente ng nabugbog na kawatan kaninang madaling araw at mga dumadampot ng naiwang kandila sa puntod, wala nang ibang untoward incident na naitala ang Kapulisan sa MNC ngayong Undas.

Muling bubuksan ang MNC bukas alas-5 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us