Pinaboran ni Senador Sherwin Gatchalian ang reinstatement o ang pagbabalik sa pwesto ni Energy Regulatory Commission (ERC) Chairperson Monalisa Dimalanta.
Ayon kay Gatchalian, maituturing na paborableng development ito para sa energy sector.
Para sa senador, magandang pahiwatig ito sa pagnanais na magkaroon ang bansa ng isang revitalized regulatory body, lalo na aniya dahil sa hindi matatawarang integridad at work ethics ni Dimalanta.
Kumpiyansa ang mambabatas na sa ilalim ng pamumuno ni Dimalanta ay makakaasa tayong maglalabas ng mga makatwiran at naaayong desisyon ang ERC kung saan mababalanse ang interes ng lahat ng mga stakeholder sa industriya habang pinoprotektahan ang kapakanan ng mga consumer.
Inaasahan ni Gatchalian na mas magiging matatag ang papel ng ERC sa sektor ng enerhiya sa mga dadating na panahon. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion