Bawal pumasok ang mga sasakyan sa loob ng Manila South Cemetery.
Dahil dito, may mga nakaabang na mga e-trike mula sa Manila City government na nag-aalok ng libreng sakay para sa mga malayo ang bibisitahing puntod.
Ang mga may dala namang sasakyan ay pwedeng mag-park sa ilang designated area:
- Kabilang ang Kalayaan Avenue mula N. Garcia Street hanggang Pililia Street
- Kalayaan Avenue mula N. Garcia Street hanggang F. Zobel Street
- Candelaria Street mula N. Garcia Street hanggang Pililia Street
- Metropolitan Avenue mula South Avenue hanggang SM Jazz Mall access road o Jupiter Street
- Ecoville Road/Meralco frontage
Pwede ring mag-park sa:
- Baler Street at Milagros Street
- M. Unidos Street at Vista Street
- Panama Street at Suez Street
Ilan naman sa mga kalsada sa paligid ng Manila South Cemetery ay puno na ng iba’t ibang mga paninda, mula sa mga pagkain, inumin, bulaklak, kandila, laruan, at mayroon pang mga nagtitinda ng mga damit, bedsheet, at kung ano-ano pa. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion