Mahigit 2,600 pasyente ang nabigyan ng serbisyong medikal ng Philippine Red Cross hanggang kagabi sa paggunita ng All Saints Day.
Ayon sa PRC, mahigit 280 first aid station ang itinalaga sa mga sementeryo, bus terminal at iba pang lugar para asistehan ang publiko.
Halos 2,000 on duty volunteers at staff ang nagbigay ng kanilang oras at serbisyo partikular sa mga nagpunta sa mga sementeryo.
Pagtitiyak pa ng PRC na magpapatuloy ang kanilang operasyon hanggang sa linggo, Nobyembre 3.
Mananatili din ang Red Cross Stations sa mga sementeryo, bus terminals, highways at daungan sa buong bansa hanggang matapos ang Undas. | ulat ni Rey Ferrer