PBBM, idineklara ang November 4 bilang ‘National Day of Mourning’ para sa mga biktima ng Bagyong Kristine

Facebook
Twitter
LinkedIn

Idineklara ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang darating na November 4, araw ng Lunes bilang ‘National Day of Mourning’.

Ang deklarasyaon ay ginawa ng Pangulo para sa mga biktima ng nagdaang Bagyong Kristine.

Sa pamamagjtan ng Proclamation no. 728 na nagdedeklara sa November 4, 2024 bilang ‘National Day of Mourning’, iniuutos din sa lahat ng establisyimentong may bandila na ilagay ito sa half-mast.

Hinihikayat din ang lahat na mag-alay ng panalangin para sa mga biktimang naapektuhan ng kalamidad.

Ang proclamation no. 728 ay nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin na may petsang October 30, 2024.

Sa datos na nakapaloob sa inilabas na proklamasyon ay umaabot sa mahigit 1.7 milyong pamilya ang naapektuhan ng Bagyong Krisitne habang 139 naman ang iniwan nitong nasawi. | via Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us