Patuloy na isinasagawa ng Philippine Coast Guard (PCG) ang paghahatid tulong sa mga komunidad na sinalanta ng Bagyong Kristine partikular sa Bicol Region.
Nobyembre 2, Tatlong barko ng PCG na kinabibilangan ng BRP Cabra (MRRV-4409), BRP Malabrigo (MRRV-4402), at BRP Malapascua (MRRV-4403) — ang naka-deploy sa pagdadala ng tinatayang 9,000 kahon ng relief goods na tumitimbang ng kabuuang 75 tonelada.
Umalis ang mga barko mula sa Cebu City patungong Pasacao Port sa Camarines Sur, kung saan ipapamahagi ang mga pangunahing pangangailangan ng mga nasalanta ng bagyo mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ang mga relief pack na ito ay sinasabing ipapamahagi sa libu-libong pamilya na naapektuhan ng nagdaang bagyo na nagresulta sa paglubog na maraming kabahayan at lugar sa Region 5.| ulat ni EJ Lazaro