Matapos ang long weekend para sa pagdaraos ng Undas, naghahanda ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) para sa malaking dagsa ng mga pasaherong pabalik ng Metro Manila.
Ngayong araw, inaasahan ng PITX na aabot sa 130,000 hanggang 140,000 ang bilang ng mga pasaherong dadaan sa terminal, at bukas inaasahang tataas pa ito sa 160,000 hanggang 170,000.
As of 9:00 ngayong umaga, umabot na sa 31,871 ang foot traffic sa PITX. Habang sa nakalipas na linggo, halos isang milyong pasahero o eksaktong 944,503 ang dumaan sa terminal, kabilang ang pinakamataas na bilang na 194,154 noong Oktubre 31.
Patuloy namang nakaalerto ang pamunuan ng PITX upang maayos na mapamahalaan ang inaasahang dagsa ng mga pasahero.| ulat ni EJ Lazaro