Tumaas pa ang presyo ng gulay sa Agora Market sa San Juan City, ilang araw matapos tumama ang mga bagyong Kristine at Leon sa bansa.
Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, pinakamahal ang Bell Pepper na nasa ₱380 ang kada kilo gayundin ang Luya na nasa ₱350 ang kada kilo.
Tumaas din ang presyo ng kada kilo ng Kamatis na nasa ₱170 na ngayon habang wala namang paggalaw sa presyo ng Bawang na nasa ₱150 ang kada kilo gayundin ng Sibuyas na nasa ₱100 ang kada kilo.
Ang Carrots ay nasa ₱170 ang kada kilo, Patatas ay nasa ₱100 ang kada kilo, Pechay Baguio ay nasa ₱140 ang kada kilo habang ang Repolyo ay tumaas din sa ₱120 ang kada kilo.
Bagaman mababa, gumalaw din ang presyo ng Sayote na nasa ₱70 ang kada kilo.
Wala namang paggalaw sa presyo ng karne ng manok, baboy, baka, at isda. | ulat ni Jaymark Dagala