Katuwang ang Quezon City Disaster Risk Reduction Office, patuloy ang pag-iikot ni Quezon City District 1 Councilor Charm Ferrer para makapamahagi ng Earthquake and Landslide Search and Rescue (ELSAROC) boxes sa iba’t ibang barangay sa lungsod.
Kabilang sa pinakahuling nakatanggap ng ELSAROC boxes ang Brgy. Masambong, San Jose at Balingasa.
Laman ng bawat ELSAROC boxes ang mahahalagang kagamitan na maaaring magamit sa pagsagip at pag-rescue sa panahon ng lindol at landslide.
Ayon sa konsehal, sa pamamagitan ng mga kagamitang ito, pinalalakas ang kahandaan ng barangay sa mga hindi inaasahang kalamidad.
Makatutulong din aniya ito para maagap na matugunan ang mga pangangailangan ng mga residente sa QC sa panahon ng krisis. | ulat ni Merry Ann Bastasa