Tiniyak ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na mahigpit nilang tinututukan ang panibagong sama ng panahon na nagbabantang pumasok sa bansa.
Ayon kay NDRRMC Chairperson at Defense Secretary Gilberto Teodoro, nagpapatupad na sila ng mga kinakailangang paghahanda upang maibsan ang pinsalang idudulot ng panibagong bagyo, gayundin ay para tiyakin ang kaligtasan ng lahat.
Kahapon, pinulong ng kalihim ang iba’t ibang ahensyang kabilang sa NDRRMC na layong siguruhing makapagbibigay ng sapat na suporta ang pamahalaan sa mga lokalidad gayundin sa ikakasang response operations.
Hinikayat naman ng NDRRMC ang publiko na manatiling maging mapagbantay at alamin ang abiso mula sa mga kinauukulan hinggil sa mga pinakahuling sitwasyon kaugnay ng nagbabantang kalamidad. | ulat ni Merry Ann Bastasa