Pormal na binuksan ngayong araw ang Joint Excercise ng Armed Froces of the Philippines (AFP) – Dagat, Langit, at Lupa o mas kilala sa tawag na “DAGITPA.”
Layon nitong palakasin pa ang kakayahan at kasanayan ng major service units ng AFP partikular na ang Army, Navy, Marines, at Air Force maging ng kanilang Special Operation Forces.
Pinangunahan ni AFP Chief of Staff, General Romeo Brawner Jr. ang pagubukas ng AJEX DAGITPA sa AFP Headquarters sa Kampo Aguinaldo matapos ang lingguhang flag raising ceremony.
Tinatayang aabot sa halos 4,000 aktibo at reserved forces mula sa Army, Air Force, Navy, at Marines ang lalahok sa ekslusibong pagsasanay gayundin ang AFP Cyber Command.
Tampok sa pagsasanay ang iba’t ibang mga kagamitan ng AFP gaya ng C-206 aircraft at armored vehicles ng Army, Patrol Ship, landing dock, Naval helicopters, at fixed wing aircraft ng Navy.
Gayundin ang FA-50PH, A29B Super Tucano at C-130 aircraft ng Air Force, maging ang Amphibious Assault Vehicles naman ng Marines. | ulat ni Merry Ann Bastasa