Bilang tugon sa mga kababayan na nangangailangan, naghatid ng tulong ang Tingog Partylist at Office of the Speaker sa mga biktima ng bagyong nanalasa sa bansa kamakailan.
Sa panahon ng Congressional recess, mas pinalawig ng Partido ang kanilang relief operation na pinakinabangan ng mahigit na 117 thousand na mga benipisyaryo sa iba’t-ibang lugar kung saan nanalasa ang bagong Kristine at Julian.
Ang pinagsama samang pwersa para sa relief assistance ng Tingog at ng liderato ng Kamara ay nakarating sa Northern Luzon, Bicol Region, Calabarzon at Mimaropa.
Inidikasyon ito ng commitment ng Partido na ipagkaloob sa taumbayan ang napapanahong suporta sa panahon ng kagipitan at pangangailangan.
Ayon kay Tingog Partylist Rep at House Committee on Overseas Workers Affairs Chair Jude Acidre, katuwang si Rep. Yedda Romualdez lalo pa nilang palalakasin ang kanilang commitment at dedikasyon para mapagsilbihan ang mga nangangailangan at maiangat ang buhay ng mga Pilipino. | ulat ni Melany Reyes