AFP, nakiisa sa National Day of Mourning; watawat ng Pilipinas sa Kampo Aguinaldo, inilagay sa half mast

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kaisa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng sambayanang Pilipino sa paggunita sa mga kababayang nasawi bunsod ng pananalasa ng nagdaang bagyong Kristine.

Ito ang binigyang-diin ni AFP Chief of Staff, General Romeo Brawner Jr. sa lingguhang flag raising ceremony sa Kampo Aguinaldo ngayong araw.

Sa katunayan, inilagay sa half mast ang watawat ng Pilipinas sa harap ng AFP General Headquarters bilang pagpapakita ng simpatiya sa mga nasawi dulot ng nagdaang kalamidad.

Bukod dito, pinapurihan din ng AFP chief ang mga sundalong nag-alay ng oras at panahon upang tumulong sa kapwa sa kanilang Humanitarian Assistance at Disaster Relief operations.

Batay sa pinakahuling datos mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), pumalo sa 150 ang bilang ng mga nasawi habang may ilan pang kaso ang isinasailalim sa validation. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us