Mahigit 11,400 na mga indibidwal, naserbisyuhan ng PH Red Cross sa panahon ng Undas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot sa mahigit 11,400 na mga indibudwal ang nakatanggap ng tulong-medikal mula sa Philippine Red Cross o PRC sa panahon ng Undas.

Batay sa tala ng PRC Safety Services Unit, nasa 11,017 ang nakakuha ng libreng serbisyo ng pagkuha ng vital signs kabilang na ang blood pressure sa mga first aid station ng PRC.

Tinulungan din ng kanilang Emergency Medical Service teams ang 357 pasyente na may mga minor injury tulad ng hypertension, heat exhaustion at iba pa.

Nasa 25 naman ang nagkaroon ng mas malalang kaso gaya ng pananakit ng tiyan, mild stroke at seizures, at 30 indibidwal ang kinailangang dalhin sa mga ospital.

Bukod sa tulong-medikal, 700 na indibidwal din ang nabigyan ng welfare assistance habang halos 600 na indibidwal naman ang nabigyan ng mainit na pagkain at psychological support.

Pinuri naman ni PRC Chairperson at CEO Richard Gordon ang dedikasyon ng mga volunteer at staff, na naglingkod sa publiko sa panahon ng Undas. | ulat ni Diane Lear

Photos: PRC

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us