Umabot na sa P396 milyon ang halaga ng pinsalang idinulot ng super typhoon Leon sa sektor ng edukasyon.
Sa inilabas na partial situational report ng Department of Education (DepEd), nasa 113 na silid aralan ang totally damaged, habang nasa 227 naman na silid aralan ang partially damaged.
Nasa P282.50 milyong halaga naman ng mga imprastraktura ang kailangan para sa reconstruction habang nasa P113.50 milyon naman ang kailangan para sa major repair ng mga silid aralan.
Batay din sa datos ng DepEd, nasa 11,135 ang bilang ng learning resources na nasira habang nasa 192 computer set ang napinsala rin dahil sa bagyo.
Sa kabuuan, umabot na sa 3.9 milyong mga mag-aaral sa halos 11,000 mga paaralan sa anim na rehiyon ang apektado ng bagyo.
Inaasahan na madadagdagan pa ang bilang ng mga apektadong paaralan habang nangangalap pa ng datos ang ahensya ukol sa lawak ng pinasala ng bayong Leon. | ulat ni Diane Lear