Pinasalamatan ni Camarines Sur 2nd District Representative Gabriel Bordado si Pangulong R. Ferdinand Marcos Jr. at House Speaker Martin Romualdez sa kanilang tulong sa mga kababayan niyang biktima ng Bagyong Kristine.
Sa kanyang privilege speech sa plenaryo, sinabi ni Bordado na sa nangyaring pananalasa ng Bagyong Kristine pinatunayan na ang pagkakaisa ang nagsilbing matibay na depensa ng bansa.
Aniya, ang ipinamalas na suporta at tulong ng Pangulo ay nagsisilbing paalala na sa panahon ng pagsubok ay mahalaga ang pagkakaisa.
Pinasalamatan din ng mambabatas ang pagdedeklara ng Pangulo ng November 4 bilang “day of mourning” para sa mga biktima ng Bagyong Kristine.| ulat ni Melany V. Reyes