Pinasinayaan ngayon ng Congressional Spouses Foundation Incorporated (CSFI) ang pagbubukas ng art at fashion exhibit na “Philippines’ Finest 2024” bilang pagkilala sa Filipino artistry at paraan para suportahan din ang health care ng mga sundalo gayundin ang biktima ng bagyong Kristine.
Katuwang ang Sentro Artista, ibinida sa exhibit ang iba’t ibang artworks, fashion, at home accessories ng mga local artisans at designers.
Ang malilikom dito ay gagamitin bilang suporta sa konstruksyon ng Casualty and Cancer Care Center sa AFP Medical Center at pantulong sa mga nasalanta ng bagyong Kristine.
Pinapurihan naman ni Speaker Martin Romualdez ang dedikasyon ng CSFI sa pagsusulong ng mga oportunidad na makapaglunsad ng mga makabuluhang programa para na rin sa benepisyo ng mga nangangailangan.
Ang CSFI ay pinamumununan ni Tingog party-list Rep. Yedda Romualdez.
Kasabay nito ay pinailawan rin ng CSFI ang Christmas tree sa main lobby ng Kamara.
Ang mga palamuti sa Christmas tree ay may katumbas na halaga na maaaring bilhin.
Ang malilikom naman dito ay gagamitin para sa pamamahagi ng Christmas gift boxes sa may 1,000 non-organic personnel ng Kamara.| ulat ni Kathleen Forbes