Naghain na si Senate President Chiz Escudero ng isang panukalang batas na layong ipagpaliban ng isang taon ang halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sa ilalim ng Senate Bill 2862 ni Escudero, pinapanukalang gawin na lang sa May 11, 2026 ang eleksyon sa BARMM sa halip na sa May 2025.
Sinabi ng Senate President na ang panukalang ito ay request rin ng Malacañang.
Kabilang sa mga pinuntong dahilan sa panukala ay ang recent Supreme Court ruling na nagdedeklarang hindi kasama ang Sulu sa BARMM.
Gayundin ang hiling ng Bangsamoro Transitional Authority (BTA) Parliament sa Kongreso na magpasa ng isang batas para makagawa ng panibagong probinsya na tatawaging Kutawato at bubuuin ng walong bagong munisipalidad.
Kung hindi kasi aniya maisasaktuparan ito ay madi-disenfranchise ang mga residente ng walong bagong munisipalidad.| ulat ni Nimfa Asuncion