AFP, handa sa pananalasa ng bagyong Marce

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang kahandaan sa pananalasa ng bagyong Marce.

Ayon kay AFP Chief of Staff, General Romeo Brawner Jr., nakaposisyon na ang mga foodpack na ipadadala sa mga lugar na tatamaan ng bagyo.

Habang magpapatuloy naman ang pagbibigay ng Humanitarian Assistance at Disaster Relief sa mga sinalanta naman ng mga bagyong Kristine at Leon.

Binigyang-diin pa ni Brawner na sapat ang mga kagamitan at asset ng militar para gamitin sa paghahatid ng tulong sa kabila ng pagkasira ng isa sa mga C295 aircraft sa Batanes nitong Undas.

Handa rin tumulong ang AFP sa Philippine National Police (PNP) sa pagsasagawa ng forced evacuation sa mga tukoy nang lugar na isasailalim sa babala ng bagyo alinsunod sa direktiba ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us