Naglatag ng 4.8 kilometro ng bagong sewer lines ang Maynilad Water Services sa Parañaque City.
Ang proyekto na pinondohan ng P695-million ay layong mapalawak pa ang sewerage services sa lugar.
Ayon kay Engr. Zmel Grabillo, Head ng Wastewater Management ng Maynilad, ang mga inilatag na linya ay mula sa bahagi ng NIA Avenue, Radial Road, at Sucat Avenue.
Kokolektahin nito ang wastewater mula sa mahigit 35,000 residente ng Barangay La Huerta at San Dionisio.
Dadalhin ang waste water sa Parañaque Water Reclamation Facility ng Maynilad, para sa tamang treatment bago ligtas na itapon sa Kayboboy River, bilang pagsunod sa environmental standards.
Pinasimulan ang proyekto noong 2021, at asahang matatapos sa ikatlong quarter ng 2025. | ulat ni Rey Ferrer