Inihain ni Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña na House Bill 11004 o ‘Kian Bill’ para isulong ang isang makatao at health-based approach sa pagtugon sa problema ng iligal na droga.
Sa kaniyang panukalang Public Health Approach to Drug Use Act, titiyakin na mapo-protektahan pa rin ang karapatan ng mga indibidwal na sangkot sa iligal na droga.
Kaiba aniya ito sa istratehiya ng nakaraang administrasyon na naging madugo at nagresulta pagkasawi ng libong katao.
“The Kian Bill prevents the killing of more innocent Kians. Imbes na dahas at bala, solusyon natin ang magbigay ng karampatang lunas at direktang lingap sa mga drug users,” sabi ni Rep. Cendaña.
Nakapaloob sa panukala na ipagbabawal na ang paggamit ng tokhang, drug list, torture, unlawful police interference at iba pa.
Sa halip, ay isusulong at palalakasin angg pagkakraoon ng community-based health and social support program sa pagtutulungan ng DOH at LGU.
Halimbawa nito ang education and outreach, peer support and mentorship program at integrative psychotherapy.
Bahagi rin ng panukala ang pag-atas sa DSWD at lokal na pamahalaan na bumuo ng economic alternatives o pangkabuhayan para sa mga indibidwal at komonidad na vulnerable o lantad sa exploitation ng illicit drug economy.
Isang kahalintulad na panukala na inihain sa Senado sa pangunguna ni Sen. Risa Hontiveros.| ulat ni Kathleen Forbes